Sub-committee on disaster, inaprubahan ang panukala para DRRM workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng House Sub-Committee on Disaster Response ang substitute bill na para sa Magna Carta ng Public Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) workers.

12 panukala ang pinag-isa na layong ilatag ang mga karapatan at benepisyo ng DRRM workers.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng salary scale para sa DRRM workers, pagpapababa sa bilang ng contract of service, pagtatalaga ng plantilla positions sa mga LGU at mekanismo na susundin ng mga lokal na pamahalaan.

Kasama sa mungkahi ng tagapangulo ng TWG na si MALASAKIT@BAYANIHAN Party-list Rep. Anthony Rolando Golez Jr., para mapagbuti ang panukala ay ang pagkakaroon ng DRRM team na hindi sakop ng Civil Service Commission at LGU Code.

Sa halip sila ay mapapasailalim sa command responsibility ng Office of Civil Defense ng bawat rehiyon.

Isa rin sa pinakokonsidera nito ang pagkakaroon ng tanggapan na bubuuin ng OCD katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsasagawa ng training, education, at personnel resources na siyang ide-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa oras na kailanganin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us