Suplay ng bigas ng bansa, sasapat hanggang susunod na taon — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture na may sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.

Sa ipinatawag na briefing ng House Committee on Agriculture and Food patungkol sa supply situation ng bigas at iba pang agricultural products, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel De Mesa na sa kasalukuyan ay sasapat ang suplay ng bigas sa bansa ng hanggang 80 araw.

Ngunit oras na dumating ang imported na bigas mula India at iba pang bansa ay aabot ng hanggang 90 days ang suplay na sasapat hanggang sa susunod na anihan sa March hanggang April.

Ngayong 4th quarter mayroon aniyang mahigit 7 million metric tons ng bigas kung saan 4.7 million metric tons dito ang locally produced.

Sa kasalukuyan, nasa P48 kada kilo aniya ang bentahan ng well-milled na bigas at P41 hanggang P43 ang regular-milled.

Sapat din aniya ang suplay ng raw sugar na may 328,000 metric tons na suplay kaya’t hindi kailangan mag-import ngunit sa refined sugar, mayroon aniyang 80,000 metric tons na import para magkaroon ng 248,000 metric tons na surplus supply sa pagtatapos ng taon.

Aminado naman si de Mesa na bagamat mayroong higit 300,000 metric tons na lokal na suplay ng karne ng baboy sa ngayon, dahil sa malaki ang demand ng mga hotel, restaurant at industrial users, kailangan mag-import. Dahil kung hindi, ay pang isang araw lang tatagal ang suplay ng baboy. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us