Tiniyak ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel ang buong suporta ng Pransya sa modernisasyon ng Philippine Navy.
Ang pagtiyak ay ginawa ng Embahador sa kanyang courtesy visit kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa Philippine Navy Headquarters.
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, natalakay ang posibleng pagsuplay sa Pilipinas ng kagamitang pandepensa sa hinaharap ng mga kumpanyang Pranses; ang pagsasanay ng mga sailor at marines; at ang pagpapalawak ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.
Nagpasalamat naman si VAdm. Adaci sa lahat ng tulong ng Pransya sa Philippine Navy at sa pagkamit ng Pilipinas ng kanyang “defense and security objectives.”
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Benjo Negranza, ang pagbisita ng Embahador ay pagpapatatag ng commitment ng Pilipinas at Pransya na itaguyod ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne
📷: S1JO Ronald A Pataueg PN / NPAO