Simula bukas, Nobyembre 6, balik na sa kanyang panunungkulan si suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.
Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay Secretary Bautista, ang desisyong ito ay batay sa kautusan ng Office of the President matapos bawiin ang 90-days suspension ni Guadiz.
Kasunod ito ng recantation ni Jeffrey Tumbado, ang dating Executive Assistant ni Guadiz na nagsiwalat ng umano’y katiwalian at korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang pagbalik sa puwesto ni Guadiz ay epektibo simula bukas batay sa Special Order na inisyu ni Secretary Bautista. | ulat ni Rey Ferrer