SUV na pinaniniwalaang pinaglipatan ng katawan ng beauty queen sa Batangas City, sinusuri na ng Pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasailalim na ngayon sa pagsusuri ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Sports Utility Vehicle (SUV) na sinasabing pinaglipatan ng katawan ng beauty queen na si Catherin Camilon sa Batangas City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, tinitingnan na ngayon kung ang naturang SUV nga ang hinahanap na pulang Honda CRV na walang plaka ang pinaglipatan sa katawan ni Camilon.

Salig aniya ito sa salaysay ng dalawang nakasaksi sa krimen.

Nitong Miyerkules, iniwan ang naturang sasakyan na walang plaka sa lugar na nakita ng mga residente at dahil walang kumuha ay ipinagbigay-alam na ito sa mga Pulis na inimbestigahan naman kinabukasan.

October 12 nang mapaulat na nawawala si Camilon na huling nakita sa Lemery, Batangas kaya naman sinabi ni Fajardo na patuloy ang kanilang pag-asa na buhay pa ang biktima bilang paggalang na rin sa naghihinagpis na pamilya nito.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us