Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nalampasan nito ang 47% target collection noong buwan ng Oktubre 2023.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nakakolekta ang kawanihan ng P274.429 billion (net of tax refund) noong Oktubre 2023.
Lagpas ito sa collection target na 8.57% o P21.654 billion para sa nasabing buwan.
Ang nasabing koleksyon ay mas mataas ng 46.94% o P87.670 billion kumpara sa tax collections para sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Sa mga tuntunin ng pinagsama-samang koleksyon mula Enero hanggang Oktubre 2023, nasa P2.132 trillion (net of tax refund) ang total collection ng BIR, na mas mataas ng 11.11% o P213.214 bilyon kumpara sa tax collections para sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Para sa Calendar Year 2023, ang target collection ng BIR ay itinakda sa P2.639 trillion na mas mataas ng 12.99% o P303.500 Billion kaysa sa actual collections ng Calendar Year 2022. | ulat ni Rey Ferrer