Target collection ng BOC para sa October 2023, nalampasan ng mahigit P1-billion surplus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa Oktubre 2023 na may halos P80-bilyon na total revenues.

Batay sa preliminary data, nakakolekta ang BOC ng abot sa P78.616-bilyon noong Oktubre, nakapagtala ng 1.4% na pagtaas o P1.084-bilyon na higit sa target collection nito para sa buwan.

Para sa ten-month period mula Enero hanggang Oktubre 2023, umabot sa P739-bilyon ang kita ng BOC na may 2.4 % na  higit pa o P17.287-bilyon na mas mataas kaysa sa P721.717-bilyong target collection nito para sa nasabing panahon.

Sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, tumaas din ng 3.57% o P25.482-bilyon ang kita ngayong taon mula sa koleksyon noong nakaraang taon na P713.522-bilyon.

Matatandaang lalo pang pinalakas ng BOC ang mga pagsisikap nito sa trade facilitation nitong Oktubre 18. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us