Opisyal nang sinimulan ngayong araw, November 25, ng Pilipinas at Australia ang kanilang tatlong araw na maritime exercises sa karagatang sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Ito’y ayon sa Joint Statement ng Philippine-Australia Maritime Cooperative activity na nilagdaan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Australian Deputy Prime & Defense Minister Richard Marles.
Ang Maritime Cooperation Activity ay lalahukan ng dalawang barko ng Philippine Navy, isang barko ng Royal Australian Navy, limang Philippine Airforce Surveillance Aircraft ng Australian Royal Airforce.
Ang aktibidad ay ang commitment ng dalawang bansa sa pagpapatupad sa malayang paglalayag at pagtataguyod ng international law at pagsuporta sa kapayapaan sa rehiyon.
Inihayag ng pamahalaan ng Australia at Pilipinas na sinusuportahan nito ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang naging desisyon ng arbitral tribunal sa South China Sea Arbitration na pumabor sa Pilipinas.| ulat ni Rey Ferrer