Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Cycle to End Violence Against Women 2023, at bike ride event activity ngayong umaga.
Ito ay bilang pakikiisa sa 18 araw na kampanya laban sa karahasan sa kababaihan na taon taon nang ginagawa sa lungsod.
Ang event ay inisyatiba ng Quezon City Gender and Development Council.
Umarangkada ang cycling event alas 8 hanggang alas 9 ng umaga na umikot sa ilang lugar sa lungsod.
Nas 600 bagong bisikleta ang ipinamigay ni Mayor Belmonte sa mga participant.
Kabilang sa mga ito ang ambulant vendors, lady guards, mga babaeng kawani ng Barangay Public Safety Officers at piling police women.
Naging ruta ng mga siklista ang Kalayaan Ave., Kamias Road, Matalino St., East Avenue, Elliptical Road, Commonwealth Ave., at Tandang Sora Ave.| ulat ni Rey Ferrer