Magsasagawa ng isang Tourism Investment at Roadshow ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ngayong araw, Nobyembre 8, 2023 sa Davao City.
Sa isinagawang Pep Talk sa SM Lanang, inihayag ni Department of Tourism 11 (DOT 11) Regional Director Tanya Rabat-Tan na layunin ng roadshow na pinamagatang Tieza Investment Incentives and Opportunities for Tourism Enterprises, na maka-himok ng maraming lokal na pamahalaan na gumawa ng Tourism Economic Zones (TEZ) sa kanilang mga lugar.
Ayon kay Rabat-Tan na malalaman ngayong araw kung ano mga insentibo na ibibigay ng TIEZA kapag mayroon ng TEZ ang isang lokaidad.
Isa mga aasahan dito ang pagtulong nito sa pagpapapasok ng mga negosyante na mamumuhunan dito.
Ipapakilala din sa roadshow ang nga financial institutions na makakabigay ng loan grants para sa gagawing tourism-related projects.
Sa ngayon mayroon ng dalawang TEZ ang Davao Region partikular na ang KJC Kingdome sa Davao City at Hijo Resources Corporation sa Tagum City, Davao del Norte. | via Armando Fernequito | RP1 Davao
📸 DOT 11