Timor-Leste Pres. Jose Ramos-Horta, darating sa bansa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagdating sa bansa ngayong araw ni Timor-Leste President Jose Ramos-Horta.

Ito’y bilang tugon na rin sa paanyaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Timor-Leste Leader nang kapwa nila daluhan ang 42nd ASEAN Summit sa Indonesia noong Mayo.

Batay sa abiso ng MIAA, lalapag mamayang hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Royal Brunei flight sakay ang Timor-Leste Leader.

Inaasahang sasalubungin si Pres. Ramos-Horta ng mga matataas na opisyal ng bansa sa pangunguna nila Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at iba pang miyembro ng Gabinete.

Una nang sinabi ng Presidential Communications Office na ang pagdating sa bansa ni Ramos-Horta ay inaasahang makapagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Timor-Leste. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: ramoshorta.com

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us