Tingog Party List, mabilis na nagpadala ng tulong sa mga binahang residente ng Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad umaksyon ang Tingog Party List, katuwang ang Office of the Speaker upang makapagpa abot ng emergency relief assistance sa libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha Northern Samar.

Nalubong sa baha ang ilang komonidad sa baybayin ng probinsya bunsod ng walang tigil na pag ulan dulot ng low pressure area at shear line nitong Martes, Nobyembre 21.

Batay sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 22,000 na indibidwal mula sa munisipalidad ng Maslog, Arteche, Jipapad, Dolores at Maydolong ang apektado ng pagbaha.

Nakikipag ugnayan ang Tingog Partylist sa tanggapan ng House Speaker at kanilang district office sa Eastern Visayas upang ihanda ang libo-libong family food packs na naglalaman ng grocery items, inuming tubig, at hygiene kits.

Ang unang batch ay ipinadala Martes ng hapon at inaasahang masusundan pa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us