Hinimok ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pamahalaan na agad na ipatupad ang bagong batas na Trabaho Para sa Bayan.
Kasunod na rin ito ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga sektor na nakapagtala ng job losses.
Kabilang dito ang Manufacturing (-888 thousand); Wholesale and retail trade; repair ng motor vehicles at motorcycles (-722 thousand); Agriculture and forestry (-649 thousand); public administration and defense; compulsory social security (-160 thousand); at Financial and insurance activities (-113 thousand).
“I suggest to the Department of Labor and Employment and other agencies to invoke the recently signed Trabaho Para sa Bayan Law (RA 11964) and make this new law the legal basis for administratively synchronizing the implementation of existing job creation programs and projects.” ani Ordanes
Mungkahi din ng mambabatas sa DOLE, na rebisahin ang COVID-19 Adjustment Measures Program at gawin itong Elevated Inflation Adjustment Measures Program.
Maigi na maipatupad aniya ito upang maramdaman ang epekto sa panahon ng off-season at peak season ng informal sector, self-employed, agriculture and fishing sectors, at services sector.
Para naman solusyunan ang youth unemployment, paigtingin ang pagpapatupad sa Special Program for the Employment of Students (SPES) at Summer Internship Program (SIP) sa mga buwan ng June hanggang September, kung kailan nakabakasyon ang mga mag-aaral. | ulat ni Kathleen Forbes