Transport strike, di ramdam sa Philcoa, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling normal ang lagay ng pampublikong transportasyon sa bahagi ng Philcoa, Quezon City sa kabila ng umiiral pang transport strike ng grupong MANIBELA.

Ngayong Biyernes ang huling araw ng tigil-pasada ng naturang transport group.

Sa kabila nito, kapansin-pansin na marami na ring pampasaherong jeepney ang bumibiyahe sa bahagi ng Philcoa kaya hindi naghihintay ng matagal ang mga pasahero bago makasakay.

Wala na ring nakapwesto ditong libreng sakay bus mula sa QC para bigyang daan ang mga jeepney driver na bumibiyahe.

Ayon sa mga nakabantay ditong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer, walang nagbago sa sitwasyon sa Philcoa kahit noong mga nakaraang araw.

Gayunman, may ilang driver pa rin ang nakikiisa sa strike at pumapasada lang sa umaga para may pang almusal.

Kasama riyan ang mga driver na sina Mang Nestor at Jojo na pang-limang araw na ring nakikisali sa tigil-pasada mula nang simulan ito ng PISTON. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us