Tulay sa Saranggani Province, hindi pa rin pinadadaanan matapos ang nangyaring 6.8 magnitude na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling sarado sa mga motorista ang isang kalsada sa bayan ng Glan, Saranggani Province matapos ang nangyaring 6.8 magnitude na lindol nitong Biyernes.

Sa ulat ng DPWH Region 12 kay Sec. Manuel Bonoan, hindi muna pwedeng daanan ang Buayan-Glan Road dahil kasalukuyang nagsasagawa ng inspeksyon sa tulay ng Buayan.

Ang naturang tulay ang nagdurugtong sa dalawang bayan patungong General Santos City.

Naglaan muna ng alternatibong ruta ang DPWH hanggat hindi natatapos ang assessment sa tulay.

Maliban sa nasabing tulay, walang naitala na anumang matinding pinsala sa mga kalsada at tulay sa buong rehiyon matapos ang malakas na pagyanig. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us