Sa panayam ng Philippine Media delegation sa Pangulo, sinabi ng Pangulo na hindi karapat-dapat na ma-impeach ang Pangalawang Pangulo at wala siyang nakikitang dahilan upang ito ay mangyari.
Hindi na aniya bagong bagay ang usaping impeachment lalo na sa mga Pangulo ng bansa na aniya’y naging ‘continuing evolution’ na.
Dangan lang at napunta ito ngayon sa Pangalawang Pangulo na ayon sa Punong Ehekutibo ay wala siyang masasabi rito kundi puro mabubuting bagay.
Una dito’y itinanggi na ni House Speaker Martin Romualdez na may gayung hakbang laban sa Bise Presidente kasunod na rin ng ulat na isang kongresista ang nai-quote na may potential impeachment kay Vice President Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar