Umano’y planong impeachment kay VP Sara Duterte, fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang umuugong na mga balita na may ihahaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Diin ni Dalipe, walang basehan ang mga balita na pinaplano ng ilang mambabatas na maghain ng impeachment complaint laban sa bise presidente.

Ayon kay Dalipe, ang mga tsismis na ito ay layon lang na sirain ang relasyon nina VP Sara at Speaker Martin Romualdez at ang political unity.

Wala rin aniyang katotohanan na may balak tumakbo sa pagka presidente si Speaker Romualdez para sa 2028, at na pinupuntirya nito si VP Sara dahil sa posibleng kompetisyon.

Paalala pa ni Dalipe na may mabigat na mga rekisitos at panuntunan sa paghahain ng impeachment complaint sa Kongreso na dapat ay may sapat at mabigat na ebidensya.

Panawagan pa ng House Majority leader na tumalima sa katotohanan at transparency, at pinayuhan ang publiko na huwag magpakalat ng mga hindi totoong balita.

Sa panig naman ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kinausap at nagtanong siya sa key leaders ng Kamara, at sinabi rin nito na walang katotohanan na pinagpaplanuhan ang pagpapatalsik sa ikalawang pangulo.

“This morning, I reached out to leaders, including Cong. Zaldy (Co) and the Speaker, to address rumors circulating in Congress. However, there is no substance to these discussions; no such thing has been deliberated among party leaders or the House leadership,” sabi ni Tulfo 

Si Deputy Minority Leader France Castro ang nagpalutang na may usap-usapan umano ang mga mambabatas para sa impeachment.

“I’m unsure where Cong. Castro got this information, and upon inquiry, the leadership was equally surprised. I confirmed with my superiors, and there’s no such discussion.” Ani Tulfo

Sabi pa ni Tulfo wala namang offense na ginawa si VP Sara para sampahan ng reklamo.

Wala rin katotohanan na pinagkakaisahan ng Kamara si VP Sara.

“Perhaps, in the future, with additional facts, details may emerge, altering the situation. However, currently, there’s no substance, and it requires further review. As per the leadership, there’s no discussion or plan for impeachment when we return on Monday,” dagdag ni Tulfo | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us