UN expert na nagrekomendang buwagin ang NTF ELCAC, misinformed – Sen. Bato dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na misinformed si UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry sa tunay na mandato ng NTF-ELCAC kaya’t inirekomenda nito ang pagbuwag sa task force.

Ito ang binigyang-diin ni Senador dela Rosa sa pagsasabing posibleng si Fry na ang pinaka-misinformed na dayuhan na nagtungo sa bansa.

Sa naging budget deliberation sa panukalang 2024 budget ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Reconciliation and Unity, sinabi ni dela Rosa na posibleng ang naririnig lamang ng rapporteur ay ang mga impormasyong ipinararating sa kanya ng mga kritiko ng gobyerno, at hindi napapakinggan ang pamahalaan.

Ipinaliwanag ng senador, na ang NTF-ELCAC ay nakatutok sa good governance at paghahatid ng basic services sa mga komunidad, at walang kinalaman sa armed confrontation sa mga kaaway ng estado.

Pinagtataka naman si Senador Francis Tolentino, kung bakit nagkokomento ang UN official sa mga aktibidad ng NTF-ELCAC gayung ang misyon nito sa bansa ay may kaunayan sa climate change. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us