UN Rapporteur, ipinadedeklarang persona non-grata ni NYC Chair Cardema

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat ideklarang persona non-grata si UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry matapos nitong ipanawagan ang pagbubuwag sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang inihayag ni National Youth Commission Chairperson Undersecretary Ronald Cardema, sa regular na press conference ng NTF-ELCAC Tagged: Reloaded, ngayong umaga.

Ayon kay Cardema, walang alam si Dr. Fry sa magandang nagawa ng NTF-ELCAC sa pagpigil ng pambibiktima ng mga teroristang komunista sa mga kabataan, at hindi patas ang kanyang pahayag na base sa kawalan ng sapat na impormasyon.

Una na ring sinabi ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairperson Secretary Eduardo Año, na binigyan si Dr. Fry ng kalayaan na mag-imbestiga sa bansa alinsunod sa kanyang mandato, pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya kumpletong ginawa ito at hindi man lang kinausap ang NTF-ELCAC.

Ginawang basehan ni Dr. Fry sa kanyang rekomendasyon ang umano’y mga ulat ng paglabag sa karapatang pantao ng environmental activists. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us