Inanyayahan ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. si UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry na bumalik sa bansa.
Sinegundahan ni Torres ang unang paanyaya ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairperson Secretary Eduardo Año sa UN Rapporteur na makipagdiyalogo sa pamahalaan.
Ito’y matapos aminin ni Torres na hindi sila na-inform sa presensya sa bansa ni Dr. Fry, at nagulat nalang sila sa rekomendasyon nito na buwagin ang NTF-ELCAC na aniya’y unfair at walang basehan.
Naniniwala si Torres na ginamit lang ni Dr. Fry sa kanyang report ang impormasyong mula sa mga kritiko ng NTF-ELCAC.
Sinabi naman ni Joel Sy Egco, Head ng NTF-ELCAC Media Bureau Integrated Communications Office Center (ICOC), na dapat ay ayusin ni Dr. Fry ang kanyang pinal na report bago isumite sa United Nations sa Hunyo ng taong ito, dahil ito ang “right thing to do”. | ulat ni Leo Sarne