Unang batch ng mga Pilipino na nakatawid na mula sa Gaza, nakatakdang dumating ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang dumating sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Gaza ngayong Biyernes, Nobyembre 10, 2023.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo De Vega ang naturang Pinoy repatriates ay lulan ng Qatar Airways fLight QR 932 na inaasahang lalapag pasado alas-kwatro ng hapon sa NAIA Terminal-3.

Ayon pa kay de Vega, sa unang naiulat, 40 Pilipino ang nakatawid mula sa Gaza strip sa pamamagitan ng Rafah crossing sa Egypt subalit 36 Pilipino lamang ang kasalukuyang naglalakbay kasama ang isang asawang Palestino.

Sa kabuuan, 37 indibidwal ang inaasahang makakauwi sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us