Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad magma-materialize ang nasa $670-million US dollars na halaga ng investment pledges na naiuwi ng Philippine delegation, mula sa matagumpay na anim na araw na working visit ng Pangulo sa U.S.
Sa arrival speech ng Pangulo sa Villamor Airbase, ipinaliwanag nito na inaasahan nyang agad na magma-materialize ang mga pangakong ito ng pamumuhunan, lalo’t tutungo sa Pilipinas ang high-level US Presidential Trade and Investment Mission sa Marso ng susunod na taon.
“And this is in fact a new feature as there has never been a presidential high-level delegation to any country before and that is again because of our continuing strong partnership with the United States,” ani Pangulong Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, si US President Joe Biden mismo ang bumuo ng high-level business delegation na ito, upang i-explore pa ang iba’t ibang oportunidad sa pamumuhunan sa Pilipinas.
”Just as an explanation, the high-level business delegation that is coming is a delegation that was formed by President Biden himself and upon the request of the Philippines to explore the different opportunities for investment and for operations here in the Philippines, especially in the targeted sectors that we have been speaking about,” paliwanag ng Pangulo.
Bukod dito, ang Pilipinas rin ang magsisilbing host ng 2024 Indo-Pacific Business Forum.
Inaasahan na ang mga kasunduang ito, sa oras na maisakatuparan, ay lilikha ng direct at indirect jobs para sa mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan
📸: PCO