Usapin sa digitalisasyon at AI, tampok sa Quezon City Future of Work Conference 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Quezon City Future of Work Conference 2023 ngayong araw na layong itampok ang mga bagong inisyatibo sa workplace environment.

Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, DICT Sec. Ivan John Uy, Israeli Ambassador Ilan Fluss at BPLD Head Marge Santos ang pormal na pagbubukas ng dalawang araw na conference na ginanap sa Crowne Plaza Hotel in Ortigas, Quezon City.

Nakatakdang talakayin sa dalawang araw na conference ang ibat ibang best practices at bagong trends sa workplace environment.

Kabilang rito ang transition sa digitalisasyon, automation, Artifical Intelligence o AI, cyber security, pati na ang hybrid at flexible work arrangements, retooling at retrofitting sa mga workplaces nang makasabay sa pagbabago ng teknolohiya.

Pag-uusapan din ang kapakanan ng mga manggagawa sa trabaho gaya ng inclusivity at gender equality pati na ang mga sustainability at resiliency initiatives nang maging disaster proof din ang mga workplace.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nais nitong manguna ang QC sa pagtataguyod ng isang future ready work environment na hindi lang makakabenepisyo sa mga negosyo kundi pati na rin sa mga manggagawa sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, magandang pagkakataon ito para matulungan ang mga negosyo na makasunod sa local at national regulations pagdating sa ligtas at inclusive workspaces.

“The speakers we have invited will present local and global best practices relevant to the growth of QC businesses. We hope to reinforce and strengthen the city’s thrust of becoming a resilient and sustainable city,” pahayag ni Mayor Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us