Pangungunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang 2023 Pambansang Buwan ng Pagbasa ngayong araw.
Isasagawa ang naturang aktibidad sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City ganap na ika-9 ng umaga.
Ang tema ng Pambansang Buwan ng Pagbasa ngayong taon ay: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan na nakatutok naman sa pagbibigay kakayahan sa mga pribado at pampublikong paaralan na naka-angkla sa literacy program ng kagawaran.
Layunin ng inisyatiba na imulat ang mga mag-aaral na mahalin ang pagbabasa upang mapagyabong ang kanilang pang-unawa sa pagbabasa at pagkatuto na kinakailangan para sa malalimang pag-iisip at pagtuklas.
Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng mga paaralan sa buong bansa na itaguyod ang sabayang pagbabasa sa pamamagitan ng mga ikakasang reading session sa November 28 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala