Vice President Sara Duterte, binigyang diin ang kahalagahan ng disaster preparedness ngayong ika-10 anibersyo ng pananalasa ng super typhoon “Yolanda”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiisa si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa.

Sa mensahe ni VP Sara, inalala nito ang mga buhay na nasawi sa isa sa pinaka-mapanirang kalamidad sa kasaysayan ng bansa. Aniya, sa pangyayaring ‘yun naipakita ang katatagan ng mga apektado ng bagyo.

Binigyang diin din ng Pangalawang Pangulo ang kahalagahan ng disaster risk reduction, climate change mitigation, disaster preparedness, at pagkatuto sa nakaraan upang maiwasan na maulit ang naturang sakuna.

Hinikayat din nito ang publiko na suportahan ang PagbaBAGo, A Million Trees project ng Office of the Vice President na layong magtanim ng isang milyong puno pagdating ng 2028.

Gayundin aniya ang pamumuhunan sa mga imprastraktura, early warning systems, at edukasyon sa disaster preparedness upang maprotektahan ang mga komunidad at maibsan ang epekto ng mga paparating na kalamidad.

Sa huli, kinilala ni VP Sara ang mga responder, volunteer, at humanitarian organization na tumulong sa mga apektadong komunidad na makabangon at magpatuloy sa kanilang buhay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us