Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na magtatatag ng Private Basic Education Voucher Program.
Aamyendahan nito ang ilang probisyon ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers In Private Education Act o E-GASTPE.
Sa ilalim ng panukala, magbibigay ng voucher ang pamahalaan sa mga private basic education schools na kinikilala ng DepEd para sa kanilang kindergarten, elementary, at secondary students.
Ang DepEd ang tutukoy sa halaga ng voucher basta’t hindi ito bababa sa kasalukuyang halaga ng voucher na ibinibigay na ng kagawaran.
Ibabase ito sa tuition at iba pang bayarin na sinisingil ng paaralan at ang socio-economic na pangangailangan ng estudyante.
Prayoridad na mapasailalim sa voucher program ang mga vulnerable at underprivileged o yung mga kabilang sa bottom first hanggang fifth income decile na tutukuyin ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Bubuo rin ng isang Bureau of Private Education (BPE) na siyang mamamahala sa Private Basic Education Voucher Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes