VP Sara Duterte, nagpasalamat sa lahat ng bumubuo ng OVP ngayong ika-88 taong anibersaryo ng opisina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa lahat ng suporta sa bumubuo ng Office of the Vice President (OVP).

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Ika-88 Anibersaryo ng OVP ngayong araw.

Sa mensahe ni VP Sara, nagpaabot ito ng pagbati sa lahat ng kaniyang kasamahan sa OVP mula sa central office hanggang sa mga satellite offices nito sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Aniya, sila ang nagsimula, nagtayo, at nagpatibay sa OVP.

Ayon kay VP Sara, dahil sa kanilang sipag, talino, at matatag na pamumuno, naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at ng buhay ng mga Pilipino ang OVP.

Tiniyak naman ng Pangalawang Pangulo, na ang bawat hakbang na tatahakin ng OVP ay patungo sa ikauunlad ng ating bansa at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us