VP Sara Duterte, nanawagan sa mga Pilipino na alalahanin at ipanalangin ang ating mga yumaong mahal sa buhay ngayong All Souls’ Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga Pilipino na alalahanin at ipanalangin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Ito ang mensahe ng Pangalawang Pangulo ngayong ginugunita ang Araw ng mga Kaluluwa.

Ayon kay VP Sara, nakikiisa siya sa mga Kristiyano sa pagdiriwang ng All Souls’ Day.

Aniya, magandang pagkakataon ang araw na ito upang magsama-sama ang pamilyang Pilipino para alalahanin at ipanalangin ang ating mga yumaong mahal sa buhay.

Nanawagan din si VP Sara sa mga Pilipino na mamumuhay ng may pagmamahal, pagpapatawad, at kapayapaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us