VP Sara Duterte sa Kongreso: Igalang ang posisyon ni Pangulong Marcos Jr. hinggil sa pagpasok ng mga kinatawan mula sa ICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalala ni Vice President Sara Duterte sa Kamara de Representantes na igalang ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpasok ng mga kinatawan mula sa International Criminal Court o ICC.

Ito’y para imbestigahan ang mga nasasawi sa panahong maigting na pinatutupad na kampanya kontra droga ng pamahalaan sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Ayon kay VP Sara, malinaw naman ang posisyon ng Pangulong Marcos na hindi makikiisa ang Pilipinas sa ICC dahil ang pagpasok ng mga dayuhang imbestigador ay tahasang paglabag sa soberenya ng Pilipinas.

Ginawa ng Pangalawang Pangulo ang pahayag kasunod ng nabunyag na unannounced na pagpupulong ng mga mambabatas mula sa Kamara para talakayin ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa.

Giit pa niya, ang pagpayag sa mga taga-usig mula sa ICC na imbestigahan ang mga umano’y krimen ay tahasang pang-iinsulto sa sistema ng katarungan sa bansa.

Magugunitang 2019 nang tuluyang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, kaya’t hindi na kikilalanin ng Pilipinas ang anumang hakbang mula sa ICC. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us