Malugod na tinatanggap ni Vice President Sara Z. Duterte ang pagkakataong talakayin ang legalidad ng paglilipat ng P125 million confidential funds.
Ito ay matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw ang grupo ng mga abogado upang maideklarang unconstitutional ang paglilipat ng confidential fund sa OVP noong 2022.
Ayon naman kay VP Sara, pagkakataon ito para mapag-usapan ang legalidad ng paglilipat ng pondo.
Umaasa naman ang Pangalawang Pangulo sa dunong ng Korte Suprema na magiging daan ito upang tuluyang matapos na ang usaping ito.
Sinabi ni VP Sara na sa ngayon tinututukan niya ang pagpapaataas ng antas at kalidad ng edukasyon sa bansa at pagprotekta sa mga mag-aaral at mga kawani ng DepEd mula sa lahat ng uri ng banta at pang-aabuso.
Dagdag pa ni VP Sara na mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang pag-tugon sa mga mahahalagang isyu gaya ng presyo ng mga bilihin na nakakaapekto sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.| ulat ni Diane Lear