VP Sara, pinaalalahanan ang mga residente ng Gigmoto, Catanduanes na ipagpatuloy ang pagsuporta sa gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga residente sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes, na ipagpatuloy ang pagbibigay ng suporta sa gobyerno.

Ito ang naging sentro ng kanyang talumpati sa ginanap na turnover ng ‘Last Miles School’ building mula sa Department of Education para sa Dororian National High School sa nasabing bayan, nitong Nobyembre 23.

Binigyang-diin ni VP Sara na pag mayroong pagkakaisa sa isang lugar ay nakikita ang pagbabago at kaunlaran. Ito aniya ay base sa kanyang karanasan bilang alkalde ng Davao City, kung saan hinikayat nila ang mga mamamayan, partikular na ang mga nasa malalayong barangay na sumuporta sa gobyerno upang madaling makapasok ang mga programa sa kanilang lugar.

Pinaalala rin ng Bise-Presidente na mahalagang huwag ibigay ang suporta sa mga tao na may masamang adhikain sa kanilang komunidad, tulad ng mga kriminal, terorista, manloloko at iba pa, upang hindi magulo ang kanilang lugar at hindi mawala ang kanilang kapayapaan at pagkakaisa.

Sa huli, ipinaabot din ni VP Sara ang pasasalamat ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagsuporta ng publiko sa kanyang 8-point Socioeconomic agenda. | ulat ni Jann Tatad | RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us