WESTMINCOM, nagbigay ng buong suporta sa 18-araw na kampanya ng AFP kontra sa “Violence Against Women and Children”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) ang kanilang buong suporta sa 18-araw na kampanya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra sa “Violence against Women and Children” (VAW).

Bilang pakikiisa, nakilahok ang mga opisyal, uniformed at non-uniformed personnel ng WestMinCom sa “virtual launching” ng kampanya kahapon na pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. mula sa Camp Aguinaldo.

Para sa taong ito, ang mensahe ng kampanya ay “Basagin ang Katahimikan Laban sa Karahasan sa Kababaihan at Kabataan”.

Palalaganapin ang mensahe sa pamamagitan ng awareness campaign at iba pang mga aktibidad.

Tiniyak naman ni WESTMINCOM Chief Lt. General William Gonzales na bilang isang organisasyon na “dominated” ng mga lalaki, ang AFP ay sensitibo sa “gender equality” at nagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga babae sa kanilang hanay. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us