WHO, tiniyak na walang nakuhang impormasyon matapos magkaroon ng hacking sa kanilang website

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakompromiso na mga sensitibong impormasyon sa World Health Organization matapos magkaroon ng hacking sa kanilang website nitong Lunes.

Sa pahayag na inilabas ng WHO sa Maynila, tiniyak nilang walang mga impormasyon na nakuha ang mga hacker mula sa mga detalye ng isang COVID-19 patient.

Sabi ng WHO, hindi naman sila kumukolekta ng mga impormasyon ng isang pasyente partikular na sa mga nabakunahan.

Tanging ang Department of Health lamang ng Pilipinas ang kumukuha ng mga datos at hindi naman daw sila nabibigyan ng mga impormasyon.

Aminado ang WHO, kumuha sila ng mga impormasyon sa mga Health Department sa buong mundo ngunit ito ay tungkol lamang sa mga tinamaan ng virus, mga na-ospital, namatay at dosage ng bakuna na itinurok sa mga tao. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us