1 patay, 5 sugatan, sa panibagong pagsabog sa Maguindanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang panibagong pagsabog sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay PRO BAR Director, Policr Brigadier General Allan Nobleza, nangyari ang insidente sa Sitio Mafran, Brgy. Pilar, South Upi, Maguindanao del Sur.

Batay sa inisyal na ulat, naghahanda ang mga biktima para sa isang family ocassion nang mangyari ang pagsabog.

Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Pulisya sa mga naulila ng nasawi at tiniyak na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng pagsabog. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us