100% ng mga sito sa Catanduanes, napailawan na sa tulong ng Sitio Electrification Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

100% napailawan na ng National Electrification Administration (NEA) at First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang mga sitio sa lalawigan ng Catanduanes sa tulong ng Sitio Electrification Program (SEP).

Dalawampu’t anim na pamilya mula sa Sitio Nalnod, Brgy. Calatagan Tibang, Virac at Sitio Binanuahan, Bagatabao, Bagamanoc ang pinakahuling mga benepisyaryo ng programa sa lalawigan kasunod ng matagumpay na switch-on ceremony na isinagawa nitong Nobyembre 30 at Disyembre 5.

Halos tatlong dekada ring walang kuryente sa nasabing nga lugar kung kaya’t gayon na lamang ang saya ng mga ito na ngayo’y maeenjoy na nila ang biyayang dulot ng pagkakaroon ng kuryente lalo’t malapit na rin ang Kapaskuhan.

Ang SEP ay Flagship Program ng National Electrification Administration (NEA) katuwang ang mga Electric Cooperatives sa buong bansa tulad ng FICELCO, na may layuning mapailawan ang mga liblib na pook sa bansa.

Maliban sa mga linya ng kuryente ay libre din ang housewiring materials, labor ng installation pati ang processing fee para sa mga mapapalad na napiling recipients sa ilalim ng nasabing programa. Tanging P5.00 ang binayaran ng mga benepisyaryo sa membership fee bilang mga bagong Member Consumer Owners (MCOs) ng kooperatiba.

Umabot sa mahigit P2 million ang pondong inilaan ng NEA sa Catanduanes para makumpleto nang mapailawan ang mga sitio sa lalawigan ngayong taong 2023. | ulat ni Juriz Dela Rosa, RP1 Virac

📸FICELCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us