Nagtulungan ang lahat ng uri ng ahensya para sa agarang pag-uwi ng mga estudyante sa kani-kanilang tahanan sa Butuan City.
Ito ay matapos ang nangyaring pambobomba kahapon sa Mindanao State University (MSU) Marawi City Campus, na nagdulot ng dalamhati sa mga pamilya lalo na sa mga residente ng Butuan City na may mga estudyanteng nag-aaral sa naturang unibersidad.
Ngayong araw ay ligtas na nakarating ang labindalawang estudyante ng MSU mula sa Butuan City sa pamamagitan ng Bayugan LGU na sinalubong agad ng mga tauhan ng CDRRMO ALIMAT, CSWD Butuan at CHO.
Samantala, ang mga estudyante ay nasa loob na ng CDRRMO Conference room at sumailalim sa stress debriefing at counseling na isinagawa ng mga tauhan ng City Health Office, CDRRMO at City Social Welfare and Development Office.
Sa kabilang banda, ang team na ipinadala ngayon ng LGU BUTUAN na binubuo ng CDRRMO ALIMAT, CSWD, CMO, Sangguniang Panglusod at iba pang tauhan ng LGU ay nakarating na sa Marawi City para sunduin ang iba pang mga na-stranded na estudyante. | ulat ni Dyannara Sumapad | RP1 Butuan