Na-nutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) ang 125 na teroristang komunista mula Oktubre 1 hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang iniulat ni VISCOM Commander Lt. Gen. Benedict Arevalo kasabay ng pagsabi na nasa bingit na ng kamatayan ang NPA sa Visayas Region.
Base sa Campaign Progress Review and Assessment (CPRA) ng VISCOM, sa 125 na teroristang na-nutralisa, 6 ang nasawi sa Eastern Visayas at 6 din sa Western Visayas.
Habang 113 naman ang nagbalik-loob sa pamahalaan, kung saang 75 ang sumuko sa Eastern Visayas at 38 naman sa Western at Central Visayas.
Sa loob ng nabanggit na panahon narekober ng mga tropa ng VISCOM ang 102 baril at 28 anti-personnel mines mula sa kalaban.
Ipinagmalaki din ni Lt. Gen. Arevalo na 4 na NPA Guerilla front ang nabuwag sa Visayas sa taong ito. | ulat ni Leo Sarne
📷: VISCOM