DA, tiniyak ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

Iniulat ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa na may paghahanda na ang ahensya sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa. Sa media forum, sinabi ni De Mesa na kabilang sa tututukan ng DA ang water management intervention, pangalawa ang mga lugar na mahihirapan sa pagtatanim at ang mga alternatibong pananim… Continue reading DA, tiniyak ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

MMDA, nag-abiso na iwasan ang ruta ng MMFF parade of Stars 2023 sa CAMANAVA mamayang hapon

Pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatagal ng tatlong oras ang parada ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa CAMANAVA area mamayang hapon. Ayon sa MMDA, aabot sa 8.7 kilometro ang lalakbayin ng parada ng floats sakay ang mga artista ng 10 pelikula na kalahok sa MMFF. Sisimulan ang ruta mula sa… Continue reading MMDA, nag-abiso na iwasan ang ruta ng MMFF parade of Stars 2023 sa CAMANAVA mamayang hapon

Training assessment center sa QC na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa, ipinasara ng DMW

Tuluyan nang ipinasara ng Department of Migrant Workers ang operasyon ng Match Trend Training Assessment Center sa 145 Biak na Bato St sa Quezon City. Mismong si DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang nanguna sa pagpasara sa Macth Trends. Sinabi ni Cacdac iligal na nag aalok ng trabahong caretakers at factory workers papuntang Taiwan ang… Continue reading Training assessment center sa QC na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa, ipinasara ng DMW

Pag-unlad ng ASEAN-Japan relationship sa nakalipas na mga taon, bibigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. sa 50th year of ASEAN- Japan Friendship and Cooperation

Itatampok o bibigyang highlight ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang ugnayan ng ASEAN at Japan na patuloy na nagbibigay ng benepisyo sa mga kasapi nito sa nakalipas na maraming taon. Ayon sa Pangulo, mahalagang mabigyang diin ang ASEAN-Japan relationship at kung paano ito yumabong at umunlad sa nakalipas na limang dekada. Kabilang na dito… Continue reading Pag-unlad ng ASEAN-Japan relationship sa nakalipas na mga taon, bibigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. sa 50th year of ASEAN- Japan Friendship and Cooperation

Archdiocese ng Maynila, hinihikayat ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga simbahan

Hinikayat ng Archdiocese ng Maynila sa pangunguna ni Cardinal Jose Advincula ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng mga simbahan bilang bahagi ng health and safety protocols ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa circular na inilabas kahapon, iginiit ni Cardinal Advincula na ang hakbang na ito ay naayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health… Continue reading Archdiocese ng Maynila, hinihikayat ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga simbahan

Valenzuela LGU, nagtakda ng isang araw para makuha ang unclaimed pamaskong handog para sa mga Lolo at Lola

Tinapos na ng Valenzuela City government ang limang araw na pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga Lolo at Lola. Sa abiso ng LGU, lahat ng senior citizens na hindi nakakuha ng gift packs mula day 1- 5 ay maaari pa rin nilang makuha sa Disyembre 29, 2023. Nagtalaga ng limang venue ang LGU na… Continue reading Valenzuela LGU, nagtakda ng isang araw para makuha ang unclaimed pamaskong handog para sa mga Lolo at Lola

Pamosong Tokyo Tower, iilawan ng kulay ng ASEAN flag bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation

Inanunsiyo ng Secretariat for the Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN- Japan Friendship and Cooperation ang gagawing Tokyo Tower Lighting up bukas, Disyembre 17. Mababalutan ang Pamosong Tokyo Tower ng mga ilaw na kulay pula, dilaw at asul na pawang kulay na bumubuo sa bandila ng ASEAN. Ang hakbang ayon sa Secretariat for… Continue reading Pamosong Tokyo Tower, iilawan ng kulay ng ASEAN flag bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation

Ilang business meetings bilang sideline activities sa dadaluhang ASEAN -Japan Commemorative Summit, lalahukan ng business delegation ng bansa sa Tokyo

Ilang business meetings ang dadaluhan ng business delegation na kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa biyahe nito sa Japan para sa ASEAN -Japan Commemorative Summit. Bukod pa dito ang ilang mga business agreements na maaaring malagdaan kasunod ng mga nakalinyang pulong na may kinalaman sa pagnenegosyo na dadaluhan ng business team na pangungunahan… Continue reading Ilang business meetings bilang sideline activities sa dadaluhang ASEAN -Japan Commemorative Summit, lalahukan ng business delegation ng bansa sa Tokyo

Isyu sa WPS, matatalakay sa Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation

Kasama ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa mapag-uusapan sa nakatakdang Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bukod dito ay ilang mga international development din ang matatalakay sa nabanggit na event na may bearing o epekto sa ASEAN. Tatalakayin… Continue reading Isyu sa WPS, matatalakay sa Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation

Pangulong Marcos Jr., bibigyang diin sa ASEAN -Japan Commemorative Summit ang mga inisyatibong ginagawa sa bansa na may kinalaman sa clean energy

Ilalahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN-Japan Summit ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas na may kinalaman sa unti – unting pagpapalakas sa paggamit nito ng clean energy. Ayon sa Chief Executive, iha-highlight ng Pilipinas ang karanasan nito sa pagtataguyod sa clean energy projects gaya ng kauna-unahang wind farms sa Southeast Asia nuong… Continue reading Pangulong Marcos Jr., bibigyang diin sa ASEAN -Japan Commemorative Summit ang mga inisyatibong ginagawa sa bansa na may kinalaman sa clean energy