Matagumpay na nakumpleto ng 169 na opisyal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Command and General Staff Course (CGSC) sa pangangasiwa ng AFP Training and Doctrine Command.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang graduation ceremony ng CGSC Class 73 sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ang 169 na miymebro ng CGSC 73 ay kinabibilangan ng mga opisyal mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Technical and Administrative Service, at Philippine Coast Guard, kasama ang International Military students at Non-Resident Instruction.
Ang kurso ay para ihanda ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad bilang mga lider at commander.
Sa kanyang mensahe, binilinan ni Gen. Brawner ang mga nagtapos na tanggapin ang mga oportunidad na darating at magsikap para maging positibong impluwensya sa buhay ng kanilang mga pinagsisilbihan. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP