Aabot sa 174 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pinalaya sa Quezon City Jail Mail Dormitory bago ang pasko ngayong taon.
Ayon kay QCJMD Jail Warden Jail Supt Michelle ng Bonto, pinalaya ang mga PDL mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 22, 2023.
Nakalaya ang mga ito bunga ng pinaigting na paralegal efforts at decongestion program ng QCJMD.
Sabi pa ni Supt. Bonto na 94 na PDL na pinakamarami sa kabuuan ay napalaya sa ilalim ng OCA Memorandum Circular 201-2022 at 12 PDL sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) habang ang iba ay napawalang sala sa kanilang kaso.
Mula Enero hanggang Disyembre 22 ngayong taon, aabot na sa 1,963 PDLs ang napalaya sa Quezon City Jail Male Dormitory. | ulat ni Rey Ferrer