Apektado ng shear line at tropical depression Kabayan, higit 86,000 indibidwal na — NDRRMC

Umakyat na sa 25,489 pamilya o 86,321 indibidwal ang naapektuhan ng shear line at tropical depression Kabayan. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga apektadong residente sa 217 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, at CARAGA. Pansamantalang sumisilong ang 19,601 pamilya o 67,105 indibidwal sa 390 evacuation centers.… Continue reading Apektado ng shear line at tropical depression Kabayan, higit 86,000 indibidwal na — NDRRMC

Q City Bus, inilabas na ang iskedyul ng libreng sakay sa Kapaskuhan

Nag-abiso na ang Quezon City Local Government sa iskedyul ng biyahe ng Q City Bus sa darating na Christmas season. Batay sa inilabas nitong bus service advisory, walang biyahe ang Q City Bus mula December 23, 24, at Dec. 26 na idineklara na ring special non-working day. May biyahe naman ang Q City Bus sa… Continue reading Q City Bus, inilabas na ang iskedyul ng libreng sakay sa Kapaskuhan

MMDA, namahagi ng Pamasko sa ilang motorcycle rider

Nagsagawa ngayong araw ng gift-giving activity ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang motorcycle rider na bumabaybay sa EDSA northbound. Nag-ala Santa Claus ang ilang opisyal ng MMDA kabilang sina MMDA Chair Romando Artes, MMDA Assistant General Manager for Operations Assistant Secretary David Angelo Vargas, TDO Director for Enforcement Atty. Vic Nuñez, at Special… Continue reading MMDA, namahagi ng Pamasko sa ilang motorcycle rider

DOE, muling siniguro na sapat ang supply ng kuryente hanggang sa ikalawang quarter ng 2024

Muling siniguro ng Deprtment of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente sa susunod na taon sa kabila ng naka-ambang El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nakipag-ugnayan na sila sa PAGASA para sa paghahanda sa El Niño phenomenon sa pagpasok ng 2024. Dagdag pa ni Lotilla na sapat… Continue reading DOE, muling siniguro na sapat ang supply ng kuryente hanggang sa ikalawang quarter ng 2024

Public Service Act, di sapat para makahikayat ng mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas — House panel chair

Itinama ni House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez ang paniwala ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaaring mabago ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas. Kasunod ito ng pahayag ng lider ng Senado na makabubuti kung ipatutupad na lamang ng gobyerno ang Public Service Act (PSA) sa halip na isulong… Continue reading Public Service Act, di sapat para makahikayat ng mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas — House panel chair

Halos 60,000 indibidwal, apektado ng shear line at bagyong Kabayan — DSWD

Mayroon nang inisyal na higit 18,000 pamilya o halos 60,000 indibidwal ang naitalang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line at ng bagyong Kabayan, batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region… Continue reading Halos 60,000 indibidwal, apektado ng shear line at bagyong Kabayan — DSWD

Publiko, hati ang opinyon sa isinusulong na firecracker ban ng DILG

Magkakaiba ang pananaw ng ilan nating kababayan sa isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na firecracker ban ngayong selebrasyon ng Bagong Taon. Ito’y matapos ang panawagan ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mga LGU na magpasa ng mga ordinansa na nagbabawal sa mga paputok sa bahay at iba pang lugar. Hinimok… Continue reading Publiko, hati ang opinyon sa isinusulong na firecracker ban ng DILG

Seguridad para sa Traslasyon 2024, pinaghahandaan na ng PNP

Nagsagawa na ng walk-through nitong Sabado ang Philippine National Police (PNP) kasama ang iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno sa ruta ng tradisyonal na Traslasyon bilang bahagi ng paghahanda para sa Pista ng Itim na Nazareno sa January 9. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, mayroon nang security template na… Continue reading Seguridad para sa Traslasyon 2024, pinaghahandaan na ng PNP

Panawagang magdaos na lamang ng Community Fireworks Display sa mga lokalidad, suportado ng MMDA

Sinegundahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Lokal na Pamahalaan na magdaos na lamang ng community fireworks display sa mga komunidad. Layon nito na maiwasan ang mga naitatalang firecraker-related injuries sa tuwing sinasalubong ng sambayanang Pilipino ang Pasko at Bagong Taon. Una… Continue reading Panawagang magdaos na lamang ng Community Fireworks Display sa mga lokalidad, suportado ng MMDA

Paggamit ng paputok at baril sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon, mahigpit nang tinututukan ng pamahalaan

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga Lokal na Pamahalaan na magpasa ng mga ordinansa hinggil sa paggamit ng mga paputok ngayong Pasko at Bagong Taon. Ito’y bilang bahagi na rin ng pag-iingat at upang maiwasan na rin ang mga naitatalang fireworks related injuries sa mga… Continue reading Paggamit ng paputok at baril sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon, mahigpit nang tinututukan ng pamahalaan