Ibinida ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang 2023 bilang “banner year” para sa komprehensibong prosesong pangkapayapaan.
Ayon kay Galvez, ito ay testamento ng commitment ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isulong ang peace agenda ng bansa.
Tinukoy ni Sec. Galvez ang mga “milestone” na nakamit sa pagsulong ng komprehensibong prosesong pangkapayapaan sa ilalim ng Five-Point Peace, Reconciliation and Unity agenda ng Pangulo.
Kabilang dito ang: patuloy na tagumpay sa Bangsamoro peace process; ang decommissioning ng 26,145 dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants; ang pagsulong ng exploratory talks sa CPP-NPA; ang pag-usad peace process sa Cordillera Bodong Administration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA) at Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), na ngayon ay KAPATIRAN; ang matagumpay na pagpapatupad ng Social Healing and Peacebuilding Program (SHAPE) ng OPAPRU; at ang Amnesty declaration ng Pangulo para sa mga dating rebelde. | ulat ni Leo Sarne