Hindi paggamit ng seatbelt ng motorista, nangungunang paglabag na naitala ng LTO-NCR

Nagpaalala sa mga motorista ang Land Transportation Office-National Capital Region sa paggamit ng seatbelt habang nasa loob ng sasakyan. Binigyang diin ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ang paggamit ng seatbelt ay para sa kaligtasan ng mga ito habang nasa biyahe. Ayon sa ulat ng LTO-NCR Traffic Adjudication Service, mula Nobyembre 16 hanggang… Continue reading Hindi paggamit ng seatbelt ng motorista, nangungunang paglabag na naitala ng LTO-NCR

Drug cleared barangay sa buong bansa, aabot na sa higit 27,000 ayon sa PDEA

Umabot na sa 27,968 na barangay sa buong bansa ang cleared na sa iligal na droga. Batay ito sa isinagawang National Anti-Drug Campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency mula Hulyo 1, 2022 hanggang Nobyembre 30,2023. Ayon sa datos ng PDEA, nasa P20.39-billion ang kabuuang halaga ng nakumpiskang illegal drugs tulad ng shabu, cocaine, ecstacy at… Continue reading Drug cleared barangay sa buong bansa, aabot na sa higit 27,000 ayon sa PDEA

Food stamp program ng Marcos Administration kinilala ng International Monetary Fund (IMF)

Binigyang pagkilala ng International Monetary Fund (IMF) ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglulunsad nito ng food stamp program ng pamahalaan para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Ayon sa IMF, ang food stamp program ng kasalukuyang administrasyon ay magpapabuti para maabot pa lalo nito ang mga pamilyang Pilipino na kasama… Continue reading Food stamp program ng Marcos Administration kinilala ng International Monetary Fund (IMF)

4 na unang kaso ng illegal firecracker related injury naitala ng Department of Health

Inumpisahan na ng Department of Health (DOH) ang pag-uulat nito ng mga biktima kaugnay ng paggamit ng mga ilegal na paputok kasabay ng papalapit na pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon. Sa ulat ng ahensya, apat na bata na may edad 6 hanggang 13 ang naging unang report na biktima ng mga ipinagbabawal na paputok… Continue reading 4 na unang kaso ng illegal firecracker related injury naitala ng Department of Health

Ecowaste Coalition, umapela sa publiko na iwasan ang pagpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon

Hinikayat ng environmental group na Ecowaste Coalition ang publiko na gawing ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa 2024 ng walang tradisyunal na paputok. Sa kanilang inilunsad na “Iwas Paputoxic” campaign, sinabi ni Aileen Lucero, National Coordinator ng EcowasteCoalition na dapat unahin ang kaligtasan ng publiko at ang isang malinis, malusog at napapanatiling kapaligiran. Ang hindi… Continue reading Ecowaste Coalition, umapela sa publiko na iwasan ang pagpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon

Pangulong Marcos Jr. at dalawang OFW na nakaligtas sa October 7 Hamas group attack sa Israel, nagkita sa Malacanang

Personal na nakumusta at narinig ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kuwento at karanasan ng dalawang OFW na nakaligtas sa Hamas group attack sa Israel sa naging pagkikita nila sa Malacañang kahapon. Isa dito ang caregiver na si Jimmy Pacheco na nabihag ng militant group ng higit sa 40 araw at nakatawid sa peligro… Continue reading Pangulong Marcos Jr. at dalawang OFW na nakaligtas sa October 7 Hamas group attack sa Israel, nagkita sa Malacanang