Nakapagtala ang Department of Health ng 24 na bagong kaso ng mga firework-related injuries sa buong bansa.
Kabilang dito ang limang kalalakihan na sumailalim sa traumatic amputation o pagkaputol ng kanilang daliri o kamay.
Sa nasabing limang katao, tatlo dito ang menor de edad habang dalawa naman ang adult na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang mga paputok na dahilan ng naturang insidente ay ang iligal na boga, pla-pla, five star, goodbye Philippines at whistle bomb.
Liban sa nabanggit ay nakapagtala din ang DOH ng 19 na iba pang kaso ng mga pinsalang nauugnay sa paputok, mula 5 hanggang 52 taong gulang o karamihan ay nasa 13 anyos ang edad, na kinasasangkutan ng isang babae lang.
Dalawampu’t dalawang porsyento (22, 92%) ang naganap sa bahay o kalapit na mga kalye.
Labing-anim na porsyento (16, 67%) ng mga paputok ang iligal.
Dahil sa mga datos na nabanggit, ang kabuuang bilang ng mga firework-related injuries o FWRI ay nasa 52 kaso na, kung saan ang NCR (20, 38%) at Regions III (6, 12%) at XII (5, 10%) may pinakamaraming naitalang kaso.
Paalala ng DOH, magpaalam sa paggamit ng paputok sa halip na magpaalam sa inyong mga daliri, dahil masakit, magastos at kagimbal-gimbal ang mawalan ng daliri kamay o braso. | ulat ni Lorenz Tanjoco