Mga grocery items at stuffed toys ang natanggap ng nasa 35 dependents ng mga namatay na miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang simultaneous gift-giving activitiy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
May temang “Handog sa Pamilya ng Bayang PNP, BFP, and BJMP,” isinagawa ito sa headquarters naman ng Police Regional Office 7 (PRO-7) sa lungsod ng Cebu kasabay ang iba’t ibang regional offices sa bansa.
Masaya si Police Brig. Gen. Anthony Aberin, ang regional director ng PRO-7, na makitang masaya ang mga dependents na nakatanggap ng mga regalo.
“Together, let us pay tribute to our fallen heroes and offer solace and unwavering support to their families, keeping their legacy alive in our hearts and minds,” pahayag ni Aberin.
Nanguna sa gift-giving activity ang PRO-7 Regional Community Affairs Development Division. | ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu