Pinasinayaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nasa 35.25 ektaryang Mangrove Crab Hatchery and Sanctuary sa barangay Agojo, San Andres kamakailan.
Mismong si BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto ang nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa nasabing crab hatchery kasama ang ilang matataas na opisyal sa lalawigan.
Ayon sa ulat, noong nakaraang Hulyo ay iprinesenta ng BFAR sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang plano nitong konstruksyon ng multi-species hatchery sa nasabing bayan na may pondong P5 million at dagdag na P1 million para sa maintenance at iba pang gastos sa operasyon.
Ang nasabing inisyal na pondo ay gagamitin para sa pagtatayo ng multi-section building, elevated freshwater tank, reservoir, seawater pump, wastewater treatment tank, brood stock fiberglass tank, at algal, rotifer, larval tanks.
Pareho namang inaasahan ng BFAR at lokal na pamahalaan ng Catanduanes na bukod sa pagpapaunlad ng produksyon ng alimango sa lalawigan ay magbubukas din ito ng maraming oportunidad para sa mga mamamayan. | ulat ni Jann Tatad | RP Virac
📷: PLGU Catanduanes