Stranded ngayon ang daan-daang pasahero sa North Port Passenger Terminal matapos ma-delay at magkansela ang apat na biyahe ng barko ng kumpanyang 2Go Group of Companies.
Sa advisory ng nasabing shipping line, naapektuhan ng bagyong Kabayan ang kanilang mga naunang biyahe kung kayat kinailangan nilang magkansela ng ibang schedule.
Dahil sa kanselasyon at pagkaantala ng mga biyahe, stranded ang kanilang mga pasahero sa Manila North Port.
Ilan sa mga pasahero ang nagsabing hindi sila nakatanggap ng abiso mula sa naturang kumpanya kung kayat nagtungo sila sa pier para sa kanilang biyahe.
Reklamo naman ng mga pasahero, walang ibinibigay na anumang pagkain ang 2Go sa mga stranded kung kayat naubusan na sila ng kanilang budget.
Wala ring abiso ang kumpanya kung kailan babalik sa normal ang biyahe ng kanilang mga barko. | ulat ni Michael Rogas