4 na panukalang batas na naratipikahan ng Senado, makakatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan — SP Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagkakaratipika ng apat na panukalang batas na pakikinabangan ng mga mahihirap na estudyante, centenarians, at ng salt industry.

Kabilang sa mga niratipikahan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang No Exam, No Permit Law na nagmamandato sa mga public at private educational institution na payagan ang mga mahihirap na estudyante na makapag-exam kahit may mga hindi pa ito nababayarang tuition at iba pang fees.

Giit ni Zubiri, kailangan nang matigil ang practice na ito ng maraming mga paaralan dahil bukod sa maling-mali ito ay nakaka-trauma pa ito sa mga mag-aaral.

Isa ring mahalagang panukalang naratipikahan na ng Senado ang panukalang Philippine Salt Industry Development Act.

Binigyang-diin ng Senate president na sa tulong ng panukalang ito ay inaasahang mapapasiglang muli ang industriya ng pag-aasin sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hamon sa naturang industriya at tulungan itong mas maging competitive sa local at international markets.

Minamandato ng panukala ang pagtatatag ng Philippine Salt Industry Development Roadmap na bubuo ng mga programa, proyekto at interventions sa salt industry.

Bukod sa mga panukalang ito ay naratipikahan na rin Senado ang panukalang mag-uupdate sa lumang Philippine Passport Law at ang panukalang magbibigay ng dagdag cash gift sa mga senior citizen. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us