Masayang ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may karagdagang 40,000 trabaho ang naging bunga ng huling biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan, nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, may mga investor na mga Hapon ang maglalagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas sa pagpasok ng 2024.
Karamihan sa mga malilikhang trabaho ay mula sa power and renewable energy sector.
Bukod sa dagdag na trabaho, posibleng bumaba din ang presyo ng kuryente sa bansa dahil sa mga dagdag na power producers.
Samantala, tinatayang aabot sa 305,000 mga bagong trabaho ang magbubukas sa 2024 na naging bunga rin ng mga biyahe ng Pangulo nitong 2023.
Kaya naman umaasa ang Labor Department na bababa pa ang 4.2% na unemployment rate sa susunod na taon. | ulat ni Michael Rogas