Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara ang apat na resolusyon bilang suporta sa amnesty proclamation ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga dating miyembro ng rebeldeng grupo.
Sa sesyon ngayong araw, in-adopt sa plenaryo ang House Concurrent Resolution no. 19 para sa paggawad ng amnestiya sa mga miyembro ng Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB.
Pinagtibay din ang HCR no. 20 para sa pagbibigay amnestiya sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Adopted din ang HCR 21 at HCR 22 para naman sa dating mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF.
Tinatayang nasa 9,900 na dating mga rebelde ang makikinabang sa amnestiya na ito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes